Sunday, December 26, 2010

Kaimito

Kaimito
(mula sa INIIBФG KITA: KAKANTUlain KITA, kantula donamor X aklat/album Xperimental ng kantula)

Kaunting buka pa
at malalasap na
ang sarap, hayannn na…
sige, supsupin mo pa…
dilaan, himurin,
kainin
ang bawat himaymay,
ang bawat hibla.
Hayan, bukang-buka na.
H’wag lubayan, h’wag tigilan
mula tinggil pasukin hanggang kaloob-looban;
uunngg, ooohhh, aaahhh…

Kaimitong kaysarap-sarap,
abot-kamay at abot-dila lang ang langit
sa prutas na sa bakuran pinitas;
kaimitong kaytamis-tamis, kaykatas-katas;
kaimito,
kaysa Washington apple na ang lutong
ay may formalin na ng imperyalismo;
kaimito,
kaysa California orange na ang katas
ay may lason nang ineksyon ng globalisasyon;
kaimito,
kaysa ano pang prutas na may pangakong
paraisong pisak at pantasyang panat.
Kaimito na’ng talaga ang ligaya,
kaimito, kaykatas, kaytamis, kaysarap.

Kaya pala
malagkit
ang langit,
dahil ang pagkuha
sa tamis
ay pinabibilis
ng pag-agos ng katas ng aklas
at paglawa ng dagta ng laya.

kantula

No comments:

Post a Comment