Tuesday, October 29, 2019

ang ating Kantutan ay walang piring na Katarungan (kantula)



ang ating Kantutan ay walang piring na Katarungan




Kung paano ko pinapangos ang tuna panga o ang crispy pata,
Papangosin din kita.
Pagpapak sa yo ay hindi paglapastangan
kungdi paggalang sa iyong kapangyarihan,
pagkilala sa hubad na katotohanang
katukso-tukso ang hubo mong katawang
kabahagi ng kabuuan ng katakam-takam mong katauhan.
Tara nang ilantad ang hubad na hustisya ng iyong katawan,
at aking lalantakang lahat- buto, balat, taba, litid, at laman.
Dahil sa tamang pagtimbang ng iyong tumbong,
at kung tuluyan mang tumimbuwang
pati tumbong ay pumailanlang,
ikay babalansehin pa rin ng iyong balikat at balakang,
kayat pantay na pantay, patas na patas
ang pagbisaklat, pag-angat, maging ang pagpitlag
ng magkapares mong hita pati paa.
Sa libog ng libra,
walang pagpapanggap, walang kasingsarap.
Sa matay di na dapat ang pantakip,
dahil sa diliryo, ikay pikit na pikit, 
Katarungang walang piring ang kantutan natin.

kantula

No comments:

Post a Comment