Inabot na ng Siyam-Siyam
Sa walang lubay na pag-ulan
Kung ito man ay siyam-siyam,
Naging libangan, pasyalan, himlayan
Ang masikip na higaan.
Mula sa araw-araw na digmaan,
Napahinga nang lubusan
Ang puso, katawan, isipan.
Pero bakit kahit sobra-sobra sa tulog
At sapat-sapat sa fud,
Labis-labis pa rin ang gutom at pagod
Ng puso, katawan, isipan?
Ulan man at higaan at chicha ay hindi maikakaila,
Mas nakapanlulumo at nakapanlalata ang labis na
pangungulila…
(kantula)
No comments:
Post a Comment