Friday, May 30, 2014

Toyo, Tayo



Kunwari, magsawa ka sa titi ko,
Kahit pa anong tigas, kahit pa anong tikas nito,
Tatakamin ka bang muli kung titi ko’y titimplahan ko ng toyo?
Susubo ka ba ng inadobong burat?
Kunsabagay, ikaw man ay naghahain minsan ng puking pinatisan.
Paano kung ako naman ang maulaw at umayaw sa kiki mong masabaw,
Muli kaya akong gaganahan kung tinggil mo’y tataktakan ng toyo?
Kakain ba ako ng bistek na pekpek?
Kunsabagay, pampalibog daw ang sibuyas.
Hay, inaatake na naman ng toyo ang ulo ko.
Kunsabagay, tayo naman ay palaging malinamnam
Ang karne ng pakikibaka,
Pero ang ating mga tiyan, ang palagiang ulam
Ay nagsasalit-salit na tuyo at toyo
Kaya siguro tinotoyo ako.
Hay, kailan kaya magiging masarap na sawsawan ang toyo
Ng crispy pata o crispy ulo?
Tara, magpakatoyo tayo
At katayin natin ang mga baboy sa gobyerno!

(kantula)
rakenrol 4 d pipol 4 d pipol 2 rock n rule!

No comments:

Post a Comment