Friday, May 30, 2014

Dyosa Ka ng Aking Dyakol

(kantula)


Dyosa ka ng aking dyakol
Mapagpalayang maputing pintura’y ipinipinta brinobrotsa ng ‘yong virtual bulbol
Pwersa, likido, ungol ay pinapadausdos ayon sa wangis ng hubog
mong busog sa alindog
Pakikibaka, pakikipagtuos ay pinaparaos sa pinapantasyang kepyas.
Sa Laguna landscape, dyosa si Mariang Makiling.
Sa lagom ng aking landescape, ikaw, Mariang Palad, ang dyosang gumigiling.
Dahil sa ‘yo , Mariang Palad, nasa palad ko ang kapalaran.
Kung batas militar man ay may kamay na bakal,
Ako naman ay may kamay na mapagmahal.
Nasa kamay ko ang katuparan,
Nasa kamay ko ang katarungan,
Nasa kamay ko ang karapatan,
Nasa kamay ko ang kalayaan.
Sa nakadakot kong kamaong sintigas ng dako kong armas,
Nadudurog ang mga kurakot, mang-aapi’t mandarambong.
Kung meron mang lubricant o lotion, conditioner o langis na may bendisyon,
Mariang Palad, pagpalain mo ang aking pagpalaot
Sa iniimagine na dyugdyog. Iyot mang ito’y dugyot,
Pag-asa ko’t pagnanasa’y ‘di palilipol,
Dyosa ka ng aking dyakol.

No comments:

Post a Comment