Hindi ang ahas
Ni ang mansanas
Ang tuksong malakas
Kungdi mismong ikaw,
Ebang hubo’t hubad, alindog na likas!
Tukso ka man
At ako’y tuksuhin,
Di ka man mansanas
Ika’y aking tutukain,
Di man ako ahas,
Ika’y aking tutuklawin.
Tukso ka man
At ako’y tuksuhin,
Ika’y aking tsutsuktsakin!
H’wag mong ikahiya’t itago sa dilim,
Iduldol mo sa akin ang dapat kong tuklasin,
Kaselanan mo’y hindi kasalanan!
Karunungan ma’y kapalit ay kamatayan,
Nagngangalit kong ulo’y walang pakundangan,
Walang pag-aalinlangan, walang kaselan-selan.
Eba, kailanman, kaselanan mo’y hindi kasalanan
-kantula
(ang marso ay buwan ng apoy, ng pagtatapos sa pag-aaral, ng kababaihan: woman, let the fire of justice & freedom burn)
-kantula
(ang marso ay buwan ng apoy, ng pagtatapos sa pag-aaral, ng kababaihan: woman, let the fire of justice & freedom burn)
No comments:
Post a Comment