Tuesday, March 19, 2013

Eba (kantula)



Eba                     (kantula)

Madugo ka pa sa regla,
Masaklap pa sa dismenorhea,
Masakit ka pa sa raspa,
Pagkababae ay maigting na pakikibaka.

Pagkatao at pagkababae ay ‘di dinidikta, ‘di nililimita
ng dismenorhea, raspa, at regla.
Pagkatao at pagkababae, kung isang sumpa o pagpapala,
Sagot ay nasa katawan at kaluluwang lumalaban, lumalaya!

-kantula
(ang marso ay buwan ng apoy, ng pagtatapos sa pag-aaral, ng kababaihan: woman, let the fire of justice & freedom  burn)

No comments:

Post a Comment