Friday, November 2, 2012

Paalam, Lilisan Ako, Lililisan Kita (kantula)



Paalam, Lilisan Ako, Lililisan Kita             (kantula)

Magkukrus pa rin ang ating landas,
Magagawi, maliligaw pa rin ako sa rotonda  ng ating ligawan.
Kabisado ko ang likaw ng iyong bituka,
buto, bilbil, bulbol.
Kabisado ko ang bawat kurba ng iyong kurbada,
ang kanto ng iyong kuntil,
ang mga kalye mula sa iyong kilay
hanggang kilikili hanggang hinlalaki
hanggang kalingkingan hanggang sa mga kinakikiligan mong kiliti...

Hanggang sa muli,
lumisan man ako’t masawi,
muli’t muli akong magagawi,
sa kaluluwa mong mabini,
sa kalooban mong mayumi,
at sa kiki mong malandi.
Pag-ibig at rebolusyon ay hindi nagwawakas.
Magkukrus pa rin ang ating landas



-kantula
sa panahon man ng paglisan at paalam, rock on....

No comments:

Post a Comment