Saturday, November 3, 2012

Grand Banatan (kantula)



Grand Banatan   (kantula)

Muling nagmamarka sa balat
Ang mga pasa, galos, sugat,
Mula sa mga sapak, tadyak, kagat.
Braces ng ngipin mo’y bumaon, bumakat.
Awat muna, awat, ano na nama’t may away?

Marami talagang mga banatan
Ang di matunton ang pinag-ugatan,
Lalo ang kahihinatnan-
Gyera sa Mindanao, rebolusyon ng komunismo,
Reaksyon ng gobyerno, kudeta ng rebeldeng sundalo…

Sa ating banatan, tayo’y magbalik.

Habang nag-iisip tayo nang tahimik,
Titig, walang imik, titig, titig,
Bibig, walang imik, maglalapit,
Kakabig, kakapit, sisiksik sa bawat bisig,
Ang ulong mainit at damdaming galit,
Huhupa, magpaparaya, lalamig,
Sa kiking mainit na mainit at titing galit na galit…
Titi, walang kyeme, titi, titi,
Kiki, walang kibo, kiki, kiki…
Ungol, walang himig, ungol, ungol,
Kanina lang ay mga nagpapatayang asong ulol!

Pagkayari, walang kibo sa kirot, sarap, pagod, antok…

Pagkagising, galit-galit na ulit!

No comments:

Post a Comment