Burnik (kantula)
Buhok bang mahaba, malambot, at straight?
Kilay bang perpekto ang kurba ng guhit?
Pilikmata bang nagpapapungay ang lantik?
Para sa ‘kin ay ikaw, mahal kong Burnik!
Panganib man ng hanging may lasong malupit,
Pangamba man sa mundong mapanglait,
Pangahas pa rin akong lalapit para makamit
Pangarap kong nasa… mahal kong Burnik!
Kagandahan kang ‘pinagkait
Ng tadhanang may takdang pait
Pero sa puso’t isip ay ‘di mawaglit,
Pagkat likas kang kaakit-akit
Masinturon, malatigo, mahagupit man sa puwit,
Sa kaibuturan ng sugpungan ng singit,
‘Di mabubunot ang lihim kong pag-ibig,
Pinakatatangi, pinakatatagong mahal kong Burnik!
Ang katotohanang kahit itago’t iligpit
Kahit daanin sa bunot o daanan ng ahit,
Aalamin, aarukin, aabutin pa ring pilit-
Ang natural mong alindog, mahal kong Burnik!
-kantula
rakenrol 4 d pipol 4 d pipol 2 rock n rule!
No comments:
Post a Comment