Matapos Humiwa ng
Matalim kong Dila sa Hiwa at Diwa,
Itarak Pambiyak ang
Malaki kong Tabak sa Biyak at Utak!
Edukasyon!
Ang matalim kong
dila,
Humihiwa sa diwa,
Humihiwa sa hiwa…
Pamana
ng pamoso kong
lolo,
si Jose Rizal.
Ang matalim kong
dila, bow!
Ang malaki kong
tabak, wow!
Pamana
ng matapang kong
tatang,
si Bonifacio.
Ang malaki kong tabak,
Bumibiyak ng utak,
Bumibiyak ng biyak…
Rebolusyon!
No comments:
Post a Comment