Sunday, October 28, 2012

"Malibog si Bilog" ng kantula



"Malibog si Bilog" ng kantula

Sa susong malusog,
Sa puking malintog,
Sa titing pambulog,
Sa umaalog na itlog

… malibog si bilog…

bilog ang mundo,
bilog ang gabi at araw,
bilog ang araw at buwan,
bilog ang araw, bilog ang buwan,
bilog ang pagbubuntis, ang pagluluwal
pati ang unti-unting pagpapatiwakal,
bilog ang gulong ng buhay,
bilog ang butas ng ilong ng patay
na may pasak na bulak

… malibog si bilog…

ang mga nasa ilalim, pasat at bugbog,
pasasaa’t papaimbulog,
ang mga nasa itaas at nagpapasasa,
pasasaa’t lulubog, lulubog,
bilog ang rebolusyong sasabog

… malibog si bilog…

sumuksok man si tatsulok
at sumaksak si parisukat,
subok na at tiyak

… pinakamalibog si bilog…





(rakenrol 4 d pipol 4 d pipol 2 rock n rule!- kantula)

No comments:

Post a Comment