Tuesday, August 2, 2011

Pangwalong Pabaon ni Inang: Chicharon at Munggo ng Pagbabago


Pangwalong Pabaon ni Inang:     Chicharon at Munggo ng Pagbabago (Hayaan Mo)

Ang mapangahas na pakikipagsapalaran ng kantula sa mga kanto’t kalye ay paglalakbay tungo sa pagbabago.  Sa katunayan, ang pabaon talaga ni Inang para sa topic na ito ay ang Embotido ng Pagbabago. Kani-kanina lang ito napalitan nang magpaluto si Inang ng ginisang munggo. Di hamak na mas masustansya, mas sariwa at mas kumpleto ang ulam na munggo kesa sa embotido. Ganyan ang pagbabago, mas pinipili kung alin ang mas makabubuti para sa mundo. Para sa pagbabago, para sa mas makabuluhang mundo, iboto ang munggo.
Bakit nga? Sa iskul nga, kapag pinapunks ng diktador na titser ang mga Huck Finn at Tom Sawyer ng klase, pinapaluhod sa munggo para raw magbago. Unfair talaga ang mundo. Bakit hindi yung mga pasaway na pulitiko ang paluhurin sa munggo eh ang kasalanan nila gamundo kumpara sa gamunggo ng mga kawawang bata? Ang ginagawa tuloy ng mga bulinggit, rumeresbak, nagsusubi ng mga munggo at saka ipansusumpit kay titser terror na pag nasapol ng mongobullets ay parang nakukuryente nang konti sa nakaiiritang kati, tuloy nagmumukhang ginagarapatang guro. Ang kapangyarihan ng munggo, bow!   
May dialectical dialogue dati sina Marx at St. Peter habang naghihimas ng kanya-kanyang balbas. Syempre, hinihimas din ni San Pedro ang kanyang cock at hinihimas naman yata nang patago ni Marx ang kanyang pedro. (unfair talaga ang mundo. Ang pride na ng Pinoy, chicken lang sa Kano kasi pedro na sa atin, cock pa lang para sa kanila.)
Sabi ni Marx, “The only permanent thing in this world is change. Maski sa trabaho wala na’ng permanente, puro contractual.”
Sabi ni San Pedro, “Paano ‘yun? Eh di kawawa naman ang mga trabahador, wala na silang benepisyo?  Paano pa sila kakain ng combong fried chicken-pancit canton saka makapagsasabong?”
“Meron pa namang SSS na ‘binibigay ang mga kumpanya. Salary deduction, Suspindi saka Sesante… SSS!”
“Anak ng manok! Wala na’ng sisiw, puro bugok na itlog!” Nalibang ang patron ng mga sabungero sa usapan. “Nakupo, mauugis ang balahibo ko kay Bro, sarado nga pala ang pinto ng langit at dala ko ang susi!” Kumaripas si Sr.Pedro.
“Loko ka, kaya pala akala ng mga tao namumunks si Bro at sinasara ni God ang pinto. Ikaw pala ang nagkandado! Dahil d’yan, kay Lenin ko na ipapangalan ang St. Petersburg at litson manok na lang ang isusunod ko sa pangalan mo! Sumunod ka na lang down to Gorki Park, we’ll go listening to the wind of change.”
Para kay Peter, mais, pellet, feeds. Para kay Jesus, mustard seed. Para sa kantula, buto ng munggo. Seeds of change are small like dust yet their fruits last like lust. Change. Revolution. Love. Passion. Rock and roll. Let us rock the world. (hello sa bandang Mongo Basket na umabot sa Grace in Paradise, hello sa lahat ng rakista at banda sa Pinas)
Nakihitch minsan ang kantula sa flying carpet ni Alladin at  naglanding sa lupain kung saan hindi umubra maski ang One Piece at si Lupin, ang RP (Republic of Pandarambong). Malupit ang mga tagaroon, nanakaw nila ang buong sistema ng gobyerno ng Pinas at napirata doon. Ang batas sa bansang iyon ay ginagawa ng Pangulong Commander-in-Thief kasapakat ang mga kumakawatang tongressman sa House of Representathieves at mga Senatraydor. Hihiling sana ng pagbabago para sa kahariang iyon ang kantula pero sinabi ng genie na maski ang nakalaang tatlong kahilingan ay nanakaw na rin. Lupet!  
Nagpabaon na lang si genie ng maliliit na butil ng magicmunggo, na nang naibabad, napakuluan, naigisa, natimplahan, nasahugan ng hipon at tinapa, napasustansya ng malunggay at ampalaya, at napasarap ng chicharon (ito ang panalo para kay Inang, yung chicharong matigas na niluluwa dahil di n’ya manguya at dumidikit sa pustiso eh lumalambot na, nagpapalasa pa nang husto sa ginisang munggo), nakupo, parang yung sinasabi ni Boss Rod Maranan na makapal na multi-layered track na talagang nakakabusog pero hindi nakakasuya sa tenga. Parang kumpleto in style and substance, in form and content. Tayo na’ng magsalo sa sarap at sustansya ng gisadong pagbabago ng chicharon at munggo.
May pabaong pagbabago ang chicharon at munggo sa kantula- bagong style, bagong genre (literaturock), bagong attitude (simple pero rock pero mataba utak), at higit sa lahat, bagong pag-asa. Ang kantula nga, mga promding taga-baryo na pag naluwas sa kalakhang Maynila ay naliligaw pa sa apat na sulok na lang ng elevator, nagawang makapasok sa Tunog Kalye Bagong Banda (salamat kina Sarge, sa Max, kay Carl at sa Dyna), gaano pa kaya ang mararating ng mga kabataang higit na pinagpala basta’t patuloy na mangangarap, magsisikap, at magtitiyaga? Ang kantula nga, K na K (kapos na kapos), G na G (gipit na gipit), www. (walang-walang wala, period) mapabudget, mapagamit, mapakanta, mapasayaw pero para sa bayan, para sa kabataan, patuloy pa ring rakenrol na kumakantula. Ang kantula, pansamantagalang nagtitiyaga at pasasaan ba’t may mapapala hanggang maka-LL (luwag-luwag/ makalipunang libido). Naniniwala po ang kantula sa kasabihang Try and try until you die. Tomorrow is another day to try and die. Eto pa po. If there’s a will, there’s a shall. We will, we shall give it all. Our motto is Practice makes pervert. Our mascots, este, escorts are Perper and Hervert. We thank you.
Kabi-kabila mang limitasyon at pagkukulang, tibak lang na helmet sa ulo ang pananggalang at ang kantula ay mistula na’ng powerful at invincible na nilalang. Bakit raw may tibak sa ulo ang kantula? Eh kasi kapag mataba ang utak, baka magkaluslos sa ulo kaya dapat suutan ng underwear, hehe. Sina Spiderman at Batman at iba pang superhero, nagmamaskara para ‘di makilala. Ang banda bandido pag nagtibak sa ulo, nagiging Superkantula- tagapagtanggol ng naaapi, tagapagtanggal ng bra at panty. Ang tibak sa ulo, hindi lang fashion statement, isa ring political statement. T-back may mean truth back. Sa dami ng posero sa mga estero, pusali at pulitika ng mga kanto’t kalye, dapat itaguyod ang katotohanan, ibalik ang serbisyong totoo, ang tunay na paglilingkod sa tao.   

Oda sa Tibak                       by kantula

Telang maliit na tatsulok,
Ano’ng inaalay, ano’ng inaalok,
Ano’t kaylakas makapusok
Pangahas ay natutuksong pumasok

Telang maliit na tatsulok,
‘tinatago ang hubad na alindog,
Tinggil ay kaydaling maabot,
Kailangan lang ay kaunting dukot

Butas ng kalayaan ay ‘di ikukubli
Sa karpet, kurtina, kobre-kama o kumot,
Guhit ng katotohanan, ‘di ikukulob
sa kahit anong malaki’ng sakop na saplot.

Sa tibak lantad na lantad,
pagkakapantay ng  tumbong.
Sa tibak bakat na bakat,
Ang katarungan ng tambok.

Ang tibak, bow!
                                               
Dapat magpalalim, magpalawak, ‘wag mabalaho sa burak ng ga-kulangot na utak. Lulublob na lang ba sa kanal at imburnal na sistema o sisisid sa karagatang Pasipiko ng pagbabago?

Hayaan Mo (pansamantalang pagsuko, panandaliang pagluha) by kantula

Hayaan mong umulan
Ng ubod nang lakas,
Hayaang magwala
Ang bagyo
At mabanat ang mga puno
Sa pagyuko
Sa bawat bayo;
Hayaang ang mga tanawi’y
Lumabo dahil nakabubulag
Ang pagbuhos,
Sa dahilang hindi mapigilan ang pagluha
Ng langit.

Pagbigyan, yabag ng yabang.
Hangin, bagyo ng kalaban.

Hayaan mong ginawin
Ang iyong katawan,
Hayaang bumuga
Ang hangin,
At mangatog at manginig ang
Buto’t ngipin
Sa bawat ihip;
Hayaang sa di ko pagdating
Ang sarili’y mangisay sa bwisit
At mag-isa,
Sa dahilang pinigilan ako ng pagluha
Ng langit.

Uyayi, uha ng uhaw
Paglao’y ungol ng ulol

Hayaan mong diligin
Ng ulan ang lupa,
Hayaan mo namang
Ang labi,
At buong katawa’y matigang
At umasam
Sa bawat halik;
Hayaan mong ang ala-ala
Ng mga yakap kong maiinit
Ay namnamin…
Sa iyong pagluha dahil pinigilan ang
Ating Langit.

Pag-ibig ko pasipiko
Panandali pagsuko ko
Pagbalik ko, sisid tayo
Sa Langit ng pagbabago.

No comments:

Post a Comment