Saturday, April 2, 2011

Pang-apat na Pabaon ni Inang: Lugaw, Tokwa’t Baboy ng Paggalang (Chickababe)


Pang-apat na Pabaon ni Inang:   Lugaw, Tokwa’t Baboy ng Paggalang (Chickababe)
Ang mapangahas na pakikipagsapalaran ng kantula sa mga kanto’t kalye ay paggala at paggalang.
Bukod sa inihaw na ulam, isa pang specialty ng Sarap Kantula point-point (para sosyal na turo-turo) ay ang LTB (Lugaw, Tokwa’t Baboy).   Husto sa lasa at lapot ang Lugaw Bugaw at swak naman ang kantula’s own special blend na sukang sawsawan ng malutong na tokwa’t baboy. Kaso nang minsang madurog ang tokwa habang ipiniprito, ang LTB ay naging lugaw, tokwang binaboy! 
Sa paggala sa mga kanto’t kalye nakakasalamuha ang iba’t-ibang nilalang, mga nilalang na pinaglalaanan ng karampatang paggalang. Bilang paggalang kay kapatid na Muslim, ang baboy ay pwedeng palitan ng baka para ang LTB ay Lugaw, Tokwa’t Baka.  Bilang paggalang kay brad sa pederasyon (brading), ang LTB ay pwedeng Lugaw, Tako ni Boy. Bilang paggalang kay brad na obit, ang LTB ay pwedeng Lugaw Tibo at Babe.  
Lugaw ang nagmulat sa kantula sa pabaong aral ni Inang tungkol sa paggalang. Kapag salat sa buhay, kapag ang panggastos ay sapat lang para sa konting bigas at wala na’ng pambili ng ulam, lugaw ang pantawid-gutom. Complete meal kumbaga, dahil may lasa, ‘di na kailangan ng ulam, at dahil may sabaw, pwede na ring pantawid-uhaw. Ang lugaw, bow!
Bitbit ang pabaong lugaw hanggang sa maging banda bandido ang Kantula.  Kapag kapos sa budget, LTB ang pagkain pagkatapos ng gig. Masarap ang init na hatid sa sikmura ng lawa ng lugaw na inambunan ng paminta. Tapos ang tokwa, bukod sa linamnam ng soya at sustansyang protina, nagsisilbi ring extender ng ilang piraso ng baboy na taba at tenga. Lahat ng benefits sa murang-murang halaga.     
Pag may feeding program, lugaw ang pinapakain. Sa konting paghahanda, makakagawa na ng isang rekwa, mapapakain na ang sanlaksang bunganga. Kahit papaano, nang dahil sa lugaw, nagpaparamdam naman ang mayayaman sa mahihirap. Yeah, is that what they call corporate social responsibility? Heto ang talinghaga ng CSR.
Nang maging teteng naluwas ng syudad si sir X kantula para sa kolehiyo, madalas din niyang pansagot sa kumakalam na sikmura ang minsa’y malapot at kadalasa’y malabnaw na lugaw kahit pa siya’y mapadpad sa Cubao, Sta. Mesa, o Recto (CSR). Nang minsang  nakaramdam ng gutom habang gumagala, gusto niyang magstop-over muna sa Cubao at maglugaw. Pero may dumaang sibat na byaheng StopNShop kaya sumakay na siya.  Sa Sta. Mesa na sana siya kakain pero wala naman ang dinadayong specialty na lugaw mata kaya tumuloy na siya sa Recto. Sa isang kariton ng lugawan sa may harapan ng Isettan ang kanyang naging hantungan. Habang hinihipan at hinihigop ang lugaw, napansin niya ang isang musmos na pulubi, siguro’y nasa limang taon lang, na sinusubuan ng hapunan ng isang mamang kahawig ni Max Alvarado pero mapostura. Naalala niya kung paano kumukonekta ang mayaman sa mahirap sa pamamagitan ng feeding program. The rich man feeding the poor boy, how touching. Pero kahit punum-puno na ang bibig, kahit anong pagpigil na maiyak, pilit pa ring kumawala ang ilang hikbi at luha ng paslit. Luha ba iyon ng ligaya dahil may tumugon sa matinding tawag ng kanyang gutom? O luha iyon dahil napaso siya sa init o kaya’y naluya o napaminta? Kahit namumuwalan na halos masuka na, kahit naluluha na halos sasabog na, sunud-sunod pa rin ang pagsalaksak ng lalaki ng kinukutsarang lugaw sa naberat na’ng bibig ng bata hanggang sa maubos ang nasa mangkok. Pagkatapos ay tubig naman mula sa basong plastik ang dali-daling pinalagok. Humahagok pa ang musmos at hindi pa tuluyang nakakalunok, pinaalis na siya at pinabaunan pa sa ulo ng gatok.”Bumalik ka na sa pwesto mo.” Sa isang iglap, naghahanap na ng limos ang batang sisinghap-singhap. Bumili muna ng sigarilyo sa may kanto ang barumbadong brusko bago tuluyang lumayo.
“Boy, lumamig na ‘yang lugaw mo. Bilisan mo lang kumain at marami pang naghihintay maupo sa pwesto mo.” Hindi na nagawang ubusin pa ni sir X kantula ang kinakain, nagbayad na lang siya at umalis na rin. Mabilis nawala sa kanyang paningin ang batang gusgusin pero sa wari niya’y naiwang nakatingin sa kanya ang mga mata nitong namumugto at ang inimpit na luha nito ay sa mismong mata niya tumugon at tumulo…
Hindi maisuka ng sikmura ng ala-ala ang lasa ng binaboy na lugaw ng panggugulang at kawalan ng paggalang at katarungan. Hindi mabubura sa tiyan ng kamalayan ang eksena ng sinusubuang pulubing bata, ang kanyang matang may sasabog na luha dahil sa halos sumabog na bunganga. Meron kayang karitong ang pagkain ay para sa nagugutom sa pagmamahal na tunay at pagkakapantay-pantay? 
Sa UP rin ay may mga kariton ng pagkain na kung tawagin ay Aristocart pero hindi lugaw ang inihahain. Merong kanin at ulam, fishballs and other balls (sarap ng squidballs mo manong, sarap ng kikiam mo manang). Isang gabi matapos maghapunan ng fishballs and fried tofu (syempre Aristocart kaya sosyal na tokwa), naggala muna si sir X kantula sa madilim na kalye papalayo ng dorm at papagawi sa may College of Law.
May nadaanan siyang nag-aaway na couple. May karga-kargang sanggol ang babae, kargado ng espiritu ng alak ang lalaki. Iiwas na lang sana si sir X kantula dahil ayon sa kanyang IQ at EQ, kawalan naman ng paggalang ang makialam sa LQ ng mag-asawa o magsyota. Isa pa may kumpareng kasama naman ang magdyowa at siya ay pumapagitna. Kaso, nang humalipaw si lalaki at tamaan si babae, syempre damay sa injury si baby, napilitan na’ng umekstra sa eksena si sir X kantula. Umawat siya, remembering the rap of the late great Francis M. na “gumitna ka at ‘wag kumampi”. Pero syempre, ang kantula ay laging kakampi ng naaapi. Pinakiusapan niya ang kumpare na ilayo na ang umiiyak na babae at baby habang yakap-yakap niya ang naghuhuramentadong tarantadong lalaki (type sana kasi macho kaso amoy bulok na chico si p’re). Nang makasakay na sa taxi ang babae at baby kasama na ang kumpare ay saka pa lamang binitawan ni sir X kantula ang lalaki.
“Pu……namo! Shashapukin kita pag naabutan kita,”pahabol pa ng kelot  na senglot sa nakaalis at pagkatapos ay pinagbalingan naman si sir X kantula “Pu…….namo ring gago ka, di mo ba alam dahil sha’yo, baka tuluyan na’ng shumama ke kumpare ang ashawa ko!” Nakupo, sori po, kaso pala ng pusang inaso.
Biglang humalipaw ang lasing na halimaw at sabay sa pag-ilag ay nagpakawala si sir X kantula ng tampok ang tumpak na tokwang left straight na ala-Pacquiao. Tumimbuwang sa may madilim na halamanan ang bangag sa alak at sapak na bakulaw nang ang tuhod niya’y naglugaw at malamang ay doon na siya mahimasmasan pagdating ng madaling-araw.       
                Sa paggala sa mga kanto’t kalye nakakasalamuha ang iba’t-ibang nilalang, mga nilalang na pinaglalaanan ng karampatang paggalang. Paggalang sa karapatan, paggalang sa mga bata, paggalang sa kabataan, paggalang sa kababaihan.
                Sa isyu ng binaboy na kababaihan sa hidden este hide’em este hayden sex videos, hindi madudoktor ang patunay na ang tunay na pagiging gwapogi ay wala sa panlabas na kaanyuan ng machong katawan o mukhang walang kapintasan at maging sa husay sa kama at sa hidden camera. Sino’ng matinong tao ang papayag na pangkodak moments ang kanyang pag-oorgasmo? (pangfacebook ba ‘yun o pang-YouTube?) Kaso rin ‘yun ng corruption, kaso nga lang kung sa mga tiwaling pulitiko ay corruption ng public property, ‘yun naman ay corruption ng pribadong puri. Kung sa taong mamamatay, isinasaalang-alang ang kanyang dignidad hanggang sa huling hininga, ganun din naman sa taong namamatay sa sarap at halos hindi na makahinga. Ecstasy is not an excuse for private experience to be exploited and exposed.
Hindi maiibsan ang sakit na tugon mula puso hanggang puson dala ng binaboy na lugaw ng panggugulang at kawalan ng paggalang at katarungan para sa kababaihan. Nag-confess si Bob Marley sa kuto: No Woman, No Cry. Kinumpis ng kuto ang girlalu bago ito matiris nang husto: No Woman, No Man. Bilang paggalang sa kababaihan, dumaloy ang dugo ng kuto at ulo at ang pulang tinta ng kantula para maisulat ang isang tula:

Eba                         by kantula

Madugo ka pa sa regla,
Masaklap pa sa dismenorhea,
Masakit ka pa sa raspa,
Pagkababae ay maigting na pakikibaka.

Pagkatao at pagkababae ay ‘di dinidikta, ‘di nililimita
ng dismenorhea, raspa, at regla.
Pagkatao at pagkababae, kung isang sumpa o pagpapala,
Sagot ay nasa katawan at kaluluwang lumalaban, lumalaya!
                                                                                               
Alang-alang kay Inang, alang-alang kina Tandang Sora at Gabriela Silang, alang-alang sa kanilang kalakasan maging kahinaan, alang-alang sa kabuuang pagkatao ng kababaihan, lubos ang paggalang sa mga chickababe ng kantula.

Chickababe                         by kantula

Oh, I can see with the way you walk
And I can say with the way you talk
Yeah, I can sense as you read your book
You’ve got a lot more than the look

IQ and EQ of high altitude
And goody goody good is your attitude
Got me in the move, got me in the mood
Should I? Would I? I should, I would!

You’re hot, ms. cool chick
You’re cool, ms. hot babe
Go ahead, make my day
Rock my world, my chickababe

Your heart, your mind, your spirit, your soul
Your face, your body, you’re sexy overall
You’re Adam’s fall, you’re Eve and the apple
You’re Kantula’s cause to make the tyrants crumble

You live, you love, you care, you share,
You dare, you bare, you’re beyond compare
With your charisma, more so your character
Death doesn’t matter, I will be your lover

I got your name, you are freedom
I’ll fight for you, thy kingdom come
I’ll be oh so wild, I’ll be wholesome
Just let me in and let me come

No comments:

Post a Comment